![]() |
Ako kasama ang aking tiya |
Ang pangalan ng ina ko ay dalisay austria at ang pangalan naman ng ama ko ay jessie austria ang trabaho ng ina ako ay mananahi at ang trabaho naman ng ama ko ay family driver mula 4 na taon ay sa bahay na namin kame tumira nagpagawa kme ng bahay sa tapat ng bahay ng lola ko.
![]() |
Noong Birthday ko |
Ako ay nagelementary sa san gabriel elementary school pumasok ako ng elementarya noong ako ay 6 na taong gulang ang naging guro ko ng elementarya ay si ma'am pestijo marami akong naging kalaro noon.Nagkameron ako ng kaklase na kambal na naging kabarkada hanggang magtapos kame ng elementarya.At nagkaroon ako doon ng magandang karanasan dahil marami akong naging kaibigan kahit unang pasok pa lamang kame sa elementarya.
![]() |
Ako noong baby ako |
At noong ako ay naggrade 4 ay may masama akong karanasan tulad nung hiniram ko ang bike ng aking kaklase ay nabunggo ako sa koridor at napaumpog ang aking baba kaya ito ay pumutok at ito ay inabot ng 3 stiches pero kahit na ganun ay naging masaya ako noong kame ay nag cristmas party dahil maraming palaro noon na aking sinalihan at marami rin kameng kinain noon.
![]() |
Ang inedit kong picture |
At noong ako ay nag grade 6 ay ang aking naging guro ay si ma'am GUADA hindi na ako nahirapan dahil aam ko na ang pasikot-sikot sa aming school at dahil ang mga kaklase ko ay yung naging kaklase kona simula ng grade 1 hanggang grade 5 kaya kahit unang pasok lang namin ng grade 6 ay marami na kaming kakulitang ginawa.At noong kame ay nag papraktis ng graduation ay naging masaya kame kahit kame ay magkakalayo na pero naging masaya kameng lahat dahil lahat kame ay nakatapos ng elementarya.
At noong bakasyon ay naging masaya ako dahil wala akong ginawa kundi gumala.Nagpalipad kame ng sarangola ng mga pinsan ko sa isang bakanteng lote malapit sa amin naging masaya kami noon dahil pagkatapos naming magpalipad ay gumagawa kame ng bago at itinatapon namin pagkatapos paliparin at pag-gabi na ay naghahanap kame ng gagamba sa sukalan at pagnakahanap na kame kahit dalawa ay umuuwe na kame para paglabanin at kapag malaki ay ipinapagbenta namin sa mga bata sa amin.At noong malapit na ang pasukan ay bumibili na kami ng mga gamit sa eskwelahan.
Noong ako ay nag-enroll sa dizon ay kasama kom ang aking ina dahil bago pa lamang ako pumasok sa bayan pero kahit ganun pinilit ko na masanay sa dizon kahit medyo mainit.At noong ako ay nag first year ay nalilito ako kung saan ang aking room dahil sobrang lawak ng dizon at sobrang dame ng room kaya noong una ay naliligaw ako at nalalampasan ko ang aking room pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.Ang hindi ko makakalimutang kaklase ay si Tan Emanuel dahil siya ang pinakamakulit at pinakapang-asar sa aming magkakaklase at dahil siya ang naging pinakauna kong kabarkada at naging kaklase ko rin si marlon na date kong kaklase ng elementary na may kakambal.At naging kaklase ko ang aking pinsan na si jenry daquil na sumunod sa kakulitan ni Tan kaya marami akong naging masayang karanasan sa unang pasok ko sa high school.At noong papirmahan namin ng clearance ay madali kong natapos ang akin dahil kumpleto ako sa mga requirements.
At noong ako ay nagsecond year ay naging adviser ko si ma'am evangelista marami akong naging bagong kaklase pero may naging kaklase ako na kaklase ko na date kaya kahit bago lang kami sa second year ay hindi ako nahirapan na makisama sa iba kaya naging ka close kuna rin silang lahat marami kaming naging magandang karanasan gaya ng mga pag-gagaslawan namin.At noong nagshindig ay hindi ako nakapasok dahil naiwan ko ang aking ticket kaya naghintay ako sa labasan pero pagkatapos ay naglaro kami ng computer hindi ako nahirapan sa pagpapacheck ng clearance kaya wala na akong naging problema sa enrolan namin.
At noong ako ay nag third year ay naging kaklase ko parin si jonas na kaklase ko noong ako ay first year at second year at may kabarkada siyang naging kaklase namin na nging pinakamagulo sa aming lahat ang naging adviser ko noon ay si ma'am joaquin naging mahirap sa amin lahat ang pakikisama sa ibang guro tulad ni ma'am reyes na laging ginagalit ng aking mga kaklase kaya maraming beses na napaiyak namin ang aming guro at mrami kaming naging magandang karanasan tulad noong kame ay nag shindig tumugtog ang aking mga kaklase sa battle of the band at sumyaw naman ang aking mga kaklaseng babae ng hiphop.Medyo nahirapan kami magpapirma ng clearance dahil marami kaming ginawang kagaslawan sa aming teacher pero mga ilang araw ay nagka-ayos din kame sa papapapirma ng clearance.
![]() |
Kuha ko sa computer shop |
No comments:
Post a Comment