Tuesday, March 8, 2011

Ang Talambuhay ni Greggy Aragones Laguras

Di gaya nang ilang mga kabataang ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, ako ay nagmula lamang sa simple at payak na pamilya. 

ako noong baby


       Natatandaan ko nung ikinuwento sa akin ng aking lola, nung binibinyagan daw ako, ang dami daw gustong maging inaanak ako. Pero syempre pinili lang ng aking mga magulang ay yung talaga daw na kaibigan nila na hindi plastik. makalipas ang ilang araw pagkatapos ng aking binyag, sabi sa akin ni lola sa bahay na daw niya ako tumira dahil nag-abroad daw ang aking mga magulang kasi mahirap daw ang buhay kasi sakitin daw ang aking kapatid. kaya ayun, nagkahiwalay tuloy kami ng kaisa-isa kong kapatid na si Geraldine. Kaya tuloy ako ay napunta sa lola ko sa fatherside. At ang ate ko naman ay sa lola ko sa motherside.

ako at ang kapatid ko


      Ayon sa mga kuwento ng lola at mga tita ko at tiyuhin, na ako daw ang paboritong apo ng lolo ko. kasi siya daw ang may laging pasan sa akin. pati sa sobrang pag-iingat daw niya sa akin, nung mahuhulog daw ako sa duyan nag-dive daw ang lolo ko kahit na alam niya na masasaktan siya sa gagawin niya. Yun nga, nasambot nga ako ng lolo ko pero putok naman daw ang ulo niya. At lumipas ang mga araw, bigla na lang daw naratay ang lolo ko sa higaan dahil sa sakit na kanser. Pero dahil sa ako nga daw ang paborito nyang apo, kahit na daw nakaratay na siya, pangalan ko ang lagi niyang sinasambit at laging gustong katabi sa pagtulog. Di naglaon, namatay na nga ang aking lolo bago pa man ang aking unang kaarawan.


ako at ang motor namin


     Ayon sa kuwento ng aking mga magulang, noong walong buwang gulang pa lamang ako at mahigit isang taon pa lamang ang aking kapatid nung umalis sila patungong abroad.

        At natatandaan ko nung mag-7th birthday ako, napakasaya ko kasi andun ang lahat ng mga kalaro ko. Tapos, dumating din noon ang mga parents ko from abroad. At isa pa syempre, andun din ang aking ate. Syempre nung una, nung makita ko ang aking mga magulang, natakot ako kasi naman six years mahigit ko silang hindi nakita. Sapol bata. Kaya nagulat ako nang yakapin nila ako at hagkan sa pisngi. Pero hindi din naglaon, natanggap ko na din sila. Dahil pinaliwanag sa akin ng lola ko at ng mga other relatives ko na sila daw ang mga magulang ko.


ako sa aming bakuran


         Hindi pa rin maalis sa isip ko nung first day ko sa skul, nakakatuwa talaga kapag naaalala ko yun. Nung una akong pumasok sa classroom ay naghubad ako ng sapatos kasi natatakot akjong madumihan ang sahig at nagiinit ang aking paa. Ngunit ipinaliwanag sa akin ng aking guro na hidi ko na daw dapat gawin iyon. Dun ko din nalaman na mababait pala ang mga teacher. Na sila pala ang Pangalawang ina namin pagdating sa paaralan. 

ako noong ako ay back ride ni ate


        Gaya ng karaniwang kabataan, naranasan ko din ang maglaro ng ibat ibang klase ng laro. Naranasan ko rin ang umuwing nanlilimahed ang damit dahil sa larong jolen, sikyo, teks, sipa at patintero, pitikang lastek, tumbang preso at kung anu ano pa. Sa nakalipas na maraming taon, masasabi kong naging masaya naman kahit papaano ang aking kabataan. Marami akong naranasan na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga na tumulong sa akin para malagpasan ko ang mga pagsubok na dumating sa aking buhay.

ako at ang aking lolo at lola


        Ang isa sa di ko malilimutang nangyari sa buhay ko ay nang pumanaw ang aking butihing ina dahil sa sakit na stroke. Labing-anim na taong gulang pa lamang ako noon kaya naging napakahirap sa akin tanggapin ang kanyang pagkawala. Ngunit, sa tulong ng aking kapatid at ng aking napakabuting ama, naging maayos naman ang aming buhay kahit nawala ang aming ina. At syempre, dumadating sa punto ng buhay na naghihirap at nagkakaroon ng problema kaya tuloy kinailangan kong tumira sa malayo. Malayo sa pamilya. Maraming bese din akong nagloko sa pag-aaral dahil sa barkada. marami din akong nagawang kamalian sa buhay ko. Ngunit ang mga karanasan kong ito ay nakatulong sa akin ng malaki.

ako noong ako ay nagpupusoy


       Sa kasalukuyan, ako ay nasa ikaapat na antas sa sekondarya at sinisikap na makatapos hanggang sa makakaya sapagkat gusto kong matulungan ang aking kapatid at tatay. Gusto kong mabigyan sila ng maayos na buhay. Sa ngayon, ang aking kapatid ay isa nang guro. Namumuhay kaming tatlo sa Brgy. Concepcion Village Purok 5 San Pablo City ng maayos. Na kahit na minsan may mga problema at kakulangan. Pero sabi nga nila, hindi normal ang buhay kapag walang problema. Kaya naman ako ay lubos na nagpapasalamat sa diyos sa kabutihan niya sa aming buhay.

          Gaya ng sinuman, marami rin akong pangarap sa buhay na gusto ko ring makamtan Magkaroon ng maayos na trabaho para makatulong sa aking pamilya at para na rin sa magiging pamilya ko balang araw.

           Sa kabila ng napakaraming pakikibaka at pagsubok sa buhay sa tulong at pagpapala ng panginoon nasasabi kong napakasarap paring mabuhay. Pero masasabi kong masarap paring mabuhay dahil kasama ko ang lahat ng aking mga mahal sa buhay at alam kong hindi ako pababayaan ng panginoon sa mga pagsubok at problema na darating sa akin sapagkat ang panginoon ang pinaka-mabait na nilalang sa mundo kaya siya ang gagawin kong inspirasyon upang makamit ko ang aking mga pangarap sa gabay ng diyos sisikapin kong makamit ito sa mabuting paraan ng walang nilalabag na batas ng tao o batas ng diyos dahil naniniwala ako na kapag pinaghirapan at sa kabutihan mo nakamit ang iyong mga pangarap ikaw ay isang marangal na tao.

         At ngayon hindi na ako magpapadalos dalos sa aking mga pasya gaya ng paslayas ko noon sa aming tirahan  dahil ngayon bukas na ang aking isipan sa mga bagay-bagay na alam kong makakasama o makakabuti sa akin at sa aking pamilya gagawin ko ang lahat upang matupad ko ang pangarap sa akin ng aking ama na magkameron ako ng magandang kinabukasan sapagkat darating din ang araw na mgkkameron din ako ng sariling pamilya na aking itataguyod sa hirap at ginhawa

No comments:

Post a Comment