Thursday, March 24, 2011

Ang Talambuhay ni:Nikka Rose A. Javier (Ang Babaeng Maganda ngunit Suplada dw)




Nung ako ay  dalawang taon pa lamang.
Ito ang talaan ng aking buhay ako si Nikka Rose Aquino-Javier na may edad na labing limang taong gulang,ipinanganak noong ika-21 ng agosto taong 1995 na kasalukuyang nakatira sa maliit na brgy ng sta.filomena lungsod ng san Pablo.
Ang pangalan ng aking ama ay si Nelson d.javier na kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang magaling na carpenter. Masaya ako  dahil yan ang naging trabaho nya,dahil sa trabahong yan  dyan kmi nkakaunlad,nkakapag-aral,at nakakain ng ayos.Ang pangalan ng aking ina ay si Rosemarie Javier ang napakabait at maunawain kong ina sya ay kasalukuyang may bahay lamang  pero kahit ganun sya hindi pa rin sya nagkukulang samen.apat kaming magkakapatid ang panganay ay si ronnel Javier na ngayon ay may pamilya na.at ang pangalawa naman ay si bryan Javier na ngayon ay binata pa at kasalukuyang nagtatrabaho.at ang pangatlo naman ay si Roxanne Javier na ngayon ay kasalukuyang may pamilya na din ngayon,nakakainis nga eh ! kase naunahan pa nya ung isa kung kuya. . ang pang-apat naman ay ang napaka cute na dalaga walang iba kundi ako si nikka rose Javier  haha!ako naman ay kasalukuyang nag-aaral pa lamang. ..
Nung ako ay limang taon pa lamang
Maiba naman tayo idedetalye ko naman sa inyo ang aking naging karanasan nung ako ay bata pa lamang.nung  ako nasa edad na limang taong gulang ako ay kasalukuyang isang kinder pa lamang,dalawang paaralan ang napasukan ko noon una ay sa brgy.sn crispin lungsod dn ng san Pablo.at simula ng magkaroon kami ng bahay sa sta.filomena nag transfer na ako ditto.hinding-hindi ko nga makakalimutan na ditto ako nagkinder kase pagpapasok na ako ihahatid ako ng nanay ko hanggang sa loob ng room tapos pag aalis na sya nag-iiyak na ako,nahiga sa sahig ng room namin,magwawala kaya un inis-inis dw saken ung nanay ko.tapos ung teacher ko dw eh napapatawa na lang sa ginagawa ko.


Ako kasama ang aking pamilya
At ito naman ang elementary days ko.ang aking mga nakaraan nung ako ay nasa edad na anim hanggang siyam na taong gulang at nasa baiting na isa hanggang apat,ang saya ko dahil lagi kaming naglalaro ng igtad baka,Chinese garter,jackstone at iba pa.tapos pag tanghalian minsan lang kami umuwi ng bahay kase dati usong-uso samen ung nagdadala ng binalot at dun kami nakain sa room naming ang saya nga eh! At dito din sa edad na ito nauso saken ang “puppy love”kung baga,at nainlove ako sa lalaking ito sya ay si ronnel carlo cortez.na hanggang ngayon ay naaalala ko pa din lalo na’t medyo malapit lang ang bahay nila samen. At hinding  hindi ko din makakalimutan na lagi kaming naglalaro na pinsan ko ng Barbie.tapos nagt2cher’teacheran kami ako ung teacher gusto ko kase ako ung nagtuturo at nagsusulat sa board.At dumako naman tayo sa edad kong sampu hanggang labing-isa na nasa baiting na lima hanggang anim.ito na ung time na hindi na masyadong mahilig sa laro syempre medyo nagdadalaga na eh !dito ako nakahanap ng mga totoong kaibigan at sa pagiging gala naming magkakabarkada nakabuo kami ng aming grupo “SLG”na ang ibig sabihin ay Samahang Laging Gala. ..hehe napakagagala kasi namin.at naranasan din naming magluto ng mga pagkain na masasarap na parte din ng aming asignatra.nakakatuwang isipin na nasarapan lahat ng teacher naming sa niluto naming iyon. .. At pag malapit ng sumapit ang pasko lahat kaming magkakabarkada at ung iba naming classmates na lalake ay kasama sa pangangaroling ang saya nga namin eh !tas pag may magbibigay samen ng konting pera sinasabihan talaga naming ng kuripot pag nasa malayo na kame syempere. Hehe.tapos pag medyo pagod na kame natigail na kames a pangngaroling at pinaghahatian na naming ung perang naipon namen. ..

 At dumating na ung araw ng aming “Graduaton Day”,arw na ayaw pa naming mangyare dahil sa ayaw pa naming magkahiwa-hiwalay syempre nasanay na kami na lagi kaming magkakasama kaya ayun nagging emotional kame.pero simula ng mangyare yon hindi pa rin kame nagkakalimutan kase may komyunikasyon pa kames a isa’t-isa kaya naman pag ng kikita’kita kame ang sasaya naming tapos nagpplano kami ng reunion para magkasama’sama ulit kame kase sobrang na miss namin lahat ng karanasan namin nung kami ay nasa elementarya pa lamang.

Ang aking litrato nung ako ay lumaban ng muse
Taong 2007 nag’enroll ako sa paaralang Col.Lauro D.Dizon Mem.National Highschool.kung saan ako ay  mag’uumpisang mag first year pa lamang nahirapan pa akong makisalamuha sa ibang tao kase mga panibagong mukha na itong mga ito para saken,pero hindi nagtagal nakahanap din agad ako ng mabubuting kaibigan.At hanggang sa nakaabot na ako ng 2nd year nalungkot ako nun kase panibagong mga mukha na nama nitong mga ito,makikisalamuha na naman ako sa kanila pero hindi ko ito pinagsisihan dahil ng maging 2nd year ako marami akong nakilalang panibagong mga kaibigan na mapapagkatiwalaan..ang saya-saya ko nun kase nakahanap ako ng kagaya nila.at tlagang hinding-hindi ko makakalimutan ang pagiging 2nd year ko kase gawa nung mga kaklase ko ang kukulet kase kaya naman lagi na lang kaming sinesermonan ng aming mga teacher.wala ng ginawa kundi pagalitan kame.
Nung ako ay walang magawa
Nung ako ay nagpapacute
At ito na naging 3rd year na ako,ako ung napili nilang maging secretary ng classroom nakakapagod pala sobra lalo na’t ung tacher eh wala ng ginawa kundi mg pasulat. goshh!nahirapan talaga ko nun…at napaka saya ko din nun kase lahat ng barkada at classmates ko nung 2nd yr eh naging classmates ko ulet nung 3rd yr kaya naman hindi na ako nahiran pang makisalamuha pa.at dito din nabuo ang matatag naming samahan.maraming kaibigan at ka tropa.at noon din ako ngkaroon ng boyfriend kaso nga lang trip trip lang  kase nga ayoko pa talagang mag boyfriend noon..sya ay si bryan lucido niyaya nya akung sumimba noon ayoko sanang pumayag kaso nga lang pinilit ako eh !tska nakakahiya naming tanggihan kaya ayon natuloy kami nainis pa nga sya nun kase ang tagal kong nakarating,pero ok lang yon. . haha !!at pagkatapos naming magsimba namasyal kami tapos niyaya nya akung kumaen. . SusyaL.
 Hehe. .tapos niyaya nya ako sa kanila kase papakilala nya ko sa pamilya nya kaso nd ako pumayag nahihiya kase ako eh !! kaya un umuwi na lang ako. .
At pagkatapos naman nito nakikilala ko c aljon flores ang hinangaan ko sa classroom naming dahil sa taglay nitong kabaitan.at ayon nagging close frends naman kame. .

Ang tatlong magaganda at seksing dilag
At ito na 4th year na ako,ang pinakamasaya para saken naging secretary ulet ako ng classroom namen,kapagod talaga..tapos lalong tumibay ang samahan naming magkakabarkada.kahit may tumigil na sa pag’aaral at may naiwan sa 3rd yr ok lng atleast nagkakasama pa din kame. ..at nagbuo kami ng aming grupo at ito ay tinatawag naming “Girls Generation”haha. .nakakatuwa. .
At yun napili akung muse na panglaban para sa section naming. .natuwa aku dun .hehe !at kahit wala akong natanggap na parangal ok lang yun atleast itinry ko yung best ko. . at naging proud ako na ako ung napili nilang ipanglaban sa ganung contest. ..
Buhay pag-ibig naman ulit tayo.haha !nakilala si allan jay babiano ang naging bf ko ngayong 4th yr tumagal kami ng 5 months,pero dumating din ung time na nagkakalabuan na at kailangan ng mag’isip ng ayos,kaya ayon nawala din ung.Relationship namen.pero  atleast sumaya naman ako nung naging kame. ..
At may isang taong dumating sa buhay ko sya ay c denis fatalla ang saya ko din nung kame kase nun lang ako nakakilala ng isang guy na hindi lang gwapo.mabait na gentleman pa!. ..kaya naman ang saya ko talaga noon.pero ito na naman ung time na nagkakalabuan na naman kya un nagbreak nah din kame. Pero ok lang atleast naging magandang inspiration sya par saken. ..

Ako at ang aking pinsan
  At ito na ung pinakahihintay naming JS PROM(Hawaiian theme)yan. . hehe!ang daming magaganda at gwapo kaya naman nakatutuwang tingnan..,ang sakit na nga ng binti ko nun eh ! kase halos hindi na ako makaupo. . (ay ! ganda ??haha)pero ok lang nag’enjoy naman ako eh !ang 1st dance ko ay s allan jay at ang last dance naman ay si c denis. . ..kaya naman ang saya ko talaga nun. ,ayun talaga ang aking pinaka( Unforgettable  Moments)
 hahah! Salamat sa mga nagsayaw saken !!!
Nagpapaganda lang

At ngayong ako’y  nasa 4th year,pagsisikapan kong makatapos ng pag-aaral para makaabot ng kolehiyo at matupad na ang aking mga pangarap at lalo na ang makatulong sa aking pamilya para masuklian ko ang lahat ng ginawa nila para saken !!.. ..






Ako at ang aking pamangkin
Ako at si ella




      >>at  dito na po nagtatapos ang halo-halong emosyon ng aking buhay <<

No comments:

Post a Comment