Thursday, March 24, 2011

Ang Talambuhay ni:Nikka Rose A. Javier (Ang Babaeng Maganda ngunit Suplada dw)




Nung ako ay  dalawang taon pa lamang.
Ito ang talaan ng aking buhay ako si Nikka Rose Aquino-Javier na may edad na labing limang taong gulang,ipinanganak noong ika-21 ng agosto taong 1995 na kasalukuyang nakatira sa maliit na brgy ng sta.filomena lungsod ng san Pablo.
Ang pangalan ng aking ama ay si Nelson d.javier na kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang magaling na carpenter. Masaya ako  dahil yan ang naging trabaho nya,dahil sa trabahong yan  dyan kmi nkakaunlad,nkakapag-aral,at nakakain ng ayos.Ang pangalan ng aking ina ay si Rosemarie Javier ang napakabait at maunawain kong ina sya ay kasalukuyang may bahay lamang  pero kahit ganun sya hindi pa rin sya nagkukulang samen.apat kaming magkakapatid ang panganay ay si ronnel Javier na ngayon ay may pamilya na.at ang pangalawa naman ay si bryan Javier na ngayon ay binata pa at kasalukuyang nagtatrabaho.at ang pangatlo naman ay si Roxanne Javier na ngayon ay kasalukuyang may pamilya na din ngayon,nakakainis nga eh ! kase naunahan pa nya ung isa kung kuya. . ang pang-apat naman ay ang napaka cute na dalaga walang iba kundi ako si nikka rose Javier  haha!ako naman ay kasalukuyang nag-aaral pa lamang. ..
Nung ako ay limang taon pa lamang
Maiba naman tayo idedetalye ko naman sa inyo ang aking naging karanasan nung ako ay bata pa lamang.nung  ako nasa edad na limang taong gulang ako ay kasalukuyang isang kinder pa lamang,dalawang paaralan ang napasukan ko noon una ay sa brgy.sn crispin lungsod dn ng san Pablo.at simula ng magkaroon kami ng bahay sa sta.filomena nag transfer na ako ditto.hinding-hindi ko nga makakalimutan na ditto ako nagkinder kase pagpapasok na ako ihahatid ako ng nanay ko hanggang sa loob ng room tapos pag aalis na sya nag-iiyak na ako,nahiga sa sahig ng room namin,magwawala kaya un inis-inis dw saken ung nanay ko.tapos ung teacher ko dw eh napapatawa na lang sa ginagawa ko.


Ako kasama ang aking pamilya
At ito naman ang elementary days ko.ang aking mga nakaraan nung ako ay nasa edad na anim hanggang siyam na taong gulang at nasa baiting na isa hanggang apat,ang saya ko dahil lagi kaming naglalaro ng igtad baka,Chinese garter,jackstone at iba pa.tapos pag tanghalian minsan lang kami umuwi ng bahay kase dati usong-uso samen ung nagdadala ng binalot at dun kami nakain sa room naming ang saya nga eh! At dito din sa edad na ito nauso saken ang “puppy love”kung baga,at nainlove ako sa lalaking ito sya ay si ronnel carlo cortez.na hanggang ngayon ay naaalala ko pa din lalo na’t medyo malapit lang ang bahay nila samen. At hinding  hindi ko din makakalimutan na lagi kaming naglalaro na pinsan ko ng Barbie.tapos nagt2cher’teacheran kami ako ung teacher gusto ko kase ako ung nagtuturo at nagsusulat sa board.At dumako naman tayo sa edad kong sampu hanggang labing-isa na nasa baiting na lima hanggang anim.ito na ung time na hindi na masyadong mahilig sa laro syempre medyo nagdadalaga na eh !dito ako nakahanap ng mga totoong kaibigan at sa pagiging gala naming magkakabarkada nakabuo kami ng aming grupo “SLG”na ang ibig sabihin ay Samahang Laging Gala. ..hehe napakagagala kasi namin.at naranasan din naming magluto ng mga pagkain na masasarap na parte din ng aming asignatra.nakakatuwang isipin na nasarapan lahat ng teacher naming sa niluto naming iyon. .. At pag malapit ng sumapit ang pasko lahat kaming magkakabarkada at ung iba naming classmates na lalake ay kasama sa pangangaroling ang saya nga namin eh !tas pag may magbibigay samen ng konting pera sinasabihan talaga naming ng kuripot pag nasa malayo na kame syempere. Hehe.tapos pag medyo pagod na kame natigail na kames a pangngaroling at pinaghahatian na naming ung perang naipon namen. ..

 At dumating na ung araw ng aming “Graduaton Day”,arw na ayaw pa naming mangyare dahil sa ayaw pa naming magkahiwa-hiwalay syempre nasanay na kami na lagi kaming magkakasama kaya ayun nagging emotional kame.pero simula ng mangyare yon hindi pa rin kame nagkakalimutan kase may komyunikasyon pa kames a isa’t-isa kaya naman pag ng kikita’kita kame ang sasaya naming tapos nagpplano kami ng reunion para magkasama’sama ulit kame kase sobrang na miss namin lahat ng karanasan namin nung kami ay nasa elementarya pa lamang.

Ang aking litrato nung ako ay lumaban ng muse
Taong 2007 nag’enroll ako sa paaralang Col.Lauro D.Dizon Mem.National Highschool.kung saan ako ay  mag’uumpisang mag first year pa lamang nahirapan pa akong makisalamuha sa ibang tao kase mga panibagong mukha na itong mga ito para saken,pero hindi nagtagal nakahanap din agad ako ng mabubuting kaibigan.At hanggang sa nakaabot na ako ng 2nd year nalungkot ako nun kase panibagong mga mukha na nama nitong mga ito,makikisalamuha na naman ako sa kanila pero hindi ko ito pinagsisihan dahil ng maging 2nd year ako marami akong nakilalang panibagong mga kaibigan na mapapagkatiwalaan..ang saya-saya ko nun kase nakahanap ako ng kagaya nila.at tlagang hinding-hindi ko makakalimutan ang pagiging 2nd year ko kase gawa nung mga kaklase ko ang kukulet kase kaya naman lagi na lang kaming sinesermonan ng aming mga teacher.wala ng ginawa kundi pagalitan kame.
Nung ako ay walang magawa
Nung ako ay nagpapacute
At ito na naging 3rd year na ako,ako ung napili nilang maging secretary ng classroom nakakapagod pala sobra lalo na’t ung tacher eh wala ng ginawa kundi mg pasulat. goshh!nahirapan talaga ko nun…at napaka saya ko din nun kase lahat ng barkada at classmates ko nung 2nd yr eh naging classmates ko ulet nung 3rd yr kaya naman hindi na ako nahiran pang makisalamuha pa.at dito din nabuo ang matatag naming samahan.maraming kaibigan at ka tropa.at noon din ako ngkaroon ng boyfriend kaso nga lang trip trip lang  kase nga ayoko pa talagang mag boyfriend noon..sya ay si bryan lucido niyaya nya akung sumimba noon ayoko sanang pumayag kaso nga lang pinilit ako eh !tska nakakahiya naming tanggihan kaya ayon natuloy kami nainis pa nga sya nun kase ang tagal kong nakarating,pero ok lang yon. . haha !!at pagkatapos naming magsimba namasyal kami tapos niyaya nya akung kumaen. . SusyaL.
 Hehe. .tapos niyaya nya ako sa kanila kase papakilala nya ko sa pamilya nya kaso nd ako pumayag nahihiya kase ako eh !! kaya un umuwi na lang ako. .
At pagkatapos naman nito nakikilala ko c aljon flores ang hinangaan ko sa classroom naming dahil sa taglay nitong kabaitan.at ayon nagging close frends naman kame. .

Ang tatlong magaganda at seksing dilag
At ito na 4th year na ako,ang pinakamasaya para saken naging secretary ulet ako ng classroom namen,kapagod talaga..tapos lalong tumibay ang samahan naming magkakabarkada.kahit may tumigil na sa pag’aaral at may naiwan sa 3rd yr ok lng atleast nagkakasama pa din kame. ..at nagbuo kami ng aming grupo at ito ay tinatawag naming “Girls Generation”haha. .nakakatuwa. .
At yun napili akung muse na panglaban para sa section naming. .natuwa aku dun .hehe !at kahit wala akong natanggap na parangal ok lang yun atleast itinry ko yung best ko. . at naging proud ako na ako ung napili nilang ipanglaban sa ganung contest. ..
Buhay pag-ibig naman ulit tayo.haha !nakilala si allan jay babiano ang naging bf ko ngayong 4th yr tumagal kami ng 5 months,pero dumating din ung time na nagkakalabuan na at kailangan ng mag’isip ng ayos,kaya ayon nawala din ung.Relationship namen.pero  atleast sumaya naman ako nung naging kame. ..
At may isang taong dumating sa buhay ko sya ay c denis fatalla ang saya ko din nung kame kase nun lang ako nakakilala ng isang guy na hindi lang gwapo.mabait na gentleman pa!. ..kaya naman ang saya ko talaga noon.pero ito na naman ung time na nagkakalabuan na naman kya un nagbreak nah din kame. Pero ok lang atleast naging magandang inspiration sya par saken. ..

Ako at ang aking pinsan
  At ito na ung pinakahihintay naming JS PROM(Hawaiian theme)yan. . hehe!ang daming magaganda at gwapo kaya naman nakatutuwang tingnan..,ang sakit na nga ng binti ko nun eh ! kase halos hindi na ako makaupo. . (ay ! ganda ??haha)pero ok lang nag’enjoy naman ako eh !ang 1st dance ko ay s allan jay at ang last dance naman ay si c denis. . ..kaya naman ang saya ko talaga nun. ,ayun talaga ang aking pinaka( Unforgettable  Moments)
 hahah! Salamat sa mga nagsayaw saken !!!
Nagpapaganda lang

At ngayong ako’y  nasa 4th year,pagsisikapan kong makatapos ng pag-aaral para makaabot ng kolehiyo at matupad na ang aking mga pangarap at lalo na ang makatulong sa aking pamilya para masuklian ko ang lahat ng ginawa nila para saken !!.. ..






Ako at ang aking pamangkin
Ako at si ella




      >>at  dito na po nagtatapos ang halo-halong emosyon ng aking buhay <<

Wednesday, March 9, 2011

Talambuhay ni Garcia Shiegfred Marben I

Ako so Garcia Shiegfred Marben I nakatira sa brgy san francisco calihan san pablo city pinanganak ako sa brgy San cristobal Sanpablo city noong ika 11 ng mayo sa taong 1994 .

Ako at ang aking mga pinsan
  

Ako at aking kapatid

ang aking mga magulang ay sina ruben Garcia   at si marilou garcia . nag kilala ang nanay at tatay ko sa quezon .dinala kame ng nanay na min sa San pablo  para mag bakasyun pero hinhi nya kami binalikan kaya napatigil kame nang isang taon .napagpasyahan ng aking lola na dito na lang kame sa san pablo pag aralin . kaya sumulat ang aming papasukan sa  quezon para makuha ang aming form 137 .




ako at ang aking mga pinsan
nang makuha na ang ang aming form 137 ay nag aral kami sa  debes  doon ako ng simulang mag grade 3 at doon na man nag simulang mag grade 1 ang aking busong kapatid at gayun doon din nag grade 4 ang aking kuya noong akoy grade  3 lagi akong pinagagalitan ng guro ko dahil masyado daw akong malikot at maharot .at laging nag lalaro tuwing tanghali kaya naman pag pasok ko ay amoy pawis daw ako at ang aking mga kaklase . maytigigisa ka ming palo sa kamay ang sakit naman ay? at noomg akoy grade 4 naman ay ganun parin laging napapalo  at na kukurot  at noong ako naman  ay grade 6 ay lagi kaming nag babasketball sa bahay kaklase ko  kaya lagi kamin nanalelate sa pang hapon na klase .at noong malapit na kong makagraduate ng grade 6 ay simpre tuwang tuwa ako dahil matatapos na ako ng elementary.






kame nung new year

nung  jan 1 na
.at pag dating ng high school ay ako ay kinakabahan dahil wla pa ako kakilala kaya tahimik lang ako sa isang tabi pero nakita ko ang aking dating kaklase na si datay kaya makakilala na ko at yun na ang lagi kong kasama .pagkalipas ng ilang linngo ay  maylumapit sa aking 3 lalake na napakasasalaw ito ay sina mojica at fernandez at si doro napasama ako sa kanila dahil niyaya nila ako mag computer kaso di pa ako masyadong marunong kaya tinuruan nila ako kya kame na adik sa counter  at lagi kaming na kakapag cutting . at noong ako naman ay seconnd year ay ganun pari dahil kaklase ko parin halos lahat  kapatuloy parin ang gaslawan .at noong bakasyun na man ay nagbuo kame ng liga sa subalit na daya kami dahil kame dapat ang waiting kame ang nilaban sa laglagan kaya laking galit ng mga kasapi ko kaya natalo kame ng 2 beses kaya out na kame sa liga .at noong ako naman ay mag 3rd year ay binwasan ko na ang pag lalaro ng computer at lagi ng na pasok at nalaman ko a wla akong dilever tuwang tuwa ako dahil makakapag 4rth year na ko at malapit ng maka graduate.subalit may hindi inanasayang ng yari pag gising ko ng umaga noong march 20 2010 ay kakita ko nalang ang lola ko ay hinde na gumigising kaya tinawag ko ang aking mga kapatid para malaman nila sobra akong natakot noong araw na yun noong araw na yun ay hindi na ko nakapasok  kahit pirmahan pa kon ng clearance pumasok na lang ako kina buksan para mag pasa ng mga  kailangan  sa school .pahirapan pa ako nun dahil di ko na tapos ang ang mga kailangan ko pra mapirmahan ang aking clearance dahil nga sa pag kamatay ng aking lola .pero nagawa ko naman ang mga kailangan ko. kahuha ko ang card ko sa aking adviser na si mrs omana  pero mababa ang grade ko pero okey lng yun dahil sanay na ko dun .simula 3to3rd isang beses plang ako nakakakuha ng line of 8 sa average.ng dumating ang bakasyun nabubuo sa na kame ng team sa isang liga pero di na tuloy dahil masyado daw kamen malalake at noong bakasyon na yun ay wala na kamin tigil sa pag lalaro ng basketball o kaya naman mag computer pag may pera lang .ng dumating na ang pasukan para mag 4rth year kinakabahan ako at nasasabik nag ennroll muna ako sa 4rth chief adviser na si marie capina .at sina nga an ang ang aking adviser ay si mrs putungan na dating si ms.perez na guro ko noong akoy second year  sa aming klase noong una ay tahimik pero noog nagtagal ay para palang mga comidyante ang ang aking mga kaklase dahil patinatanong ng aking mga puro mga kasalawan ang ang sina sagot .at madame pa silang ginagawang kasalawan tulad ng pag kakara sa room  noong nang lahati na ang taon ay  ginanap ang aming mini olimpic at nag buo ka me ng  sayaw  at yun ang amin cheer dance . noong nabuo na ang aming sayaw ay binigay na ang aming t shirt na na pa badoy kame kame lang ang walang malaking number sa likod ng aming damit .baka ng  tinipid kame . ng sumapit na ang laban ay nakapagsayaw na man kame sa harap ng madamin tao at di na man kahiyahiya .pero hindi kame pinalad na manalo.at ng matapos na ang aming n=mini olimpic ay nag simula na ang deliverasion dilver ako sa isang subject yun ang filipino.akoy nang lambot para yatang hindi makaka graduate pero noong nakita ko ang grade ko ay may pag asa pala dahil na bawe ko ang ang bagsak.  kaya san maka graduate ako  ....... salamat po sa bagbasa ng aking talambuhay.


Ito kame nung pasko

nung binisita namen ang lola namen

nung new year ng 2010

new year na

ito ang kapatid ko at aking lolo

Talambuhay ni Mark Joseph M Villanueva

ako noong ako ay bata
     Ako si mark joseph m villanueva labing limang taong gulang . nakatira ako  sa barangay soledad san pablo city . Ipinanganak ako noong abril 29 1995 sa lugar ng barangay soledad san pablo city . bunso ako sa aming mga magkakapatid.Ang aking mga magulang ay sina myrna villanueva at c victor villanueva.At ako ay nagaral sa mababang paaralan ng barangay soledad san pablo city.                                                                                               
                                                                                                                                                                                                                       

ang aking ama
                   At dito ako nag unang antas .At nung nasa unang antas lage akong umuuwe ng tanghale para lng makapaglaro..At tuweng ako ay nabibirlthday lage akong napapahamak.Nung nagbirthday ako ng grade 1 ako ay naaksidente dahil sa kakulitan.Ako ay hindi sinasadyang masundot sa aking ngalangala ng maliit na tubo.Hinde ko nun pinapaalam sa mga kapatid ko ang nangyare saken.natatakot kase ako nung sabihen sa kanila.Dahil iyak ako ng iyak nlaman dn nla ang nangyare saken ako ay dinala sa ospital..Tanda ko noon kahit  masaket ang ngalangala ko ang takaw ko pa dn kumaen dahil sa katakawan.  
     


 .                                                                                                                                                                                                                                    
ako noong ako ay grade 4
             At nung ako ay nasa ikalawang antas na ,Ako ay makulet pa din . Lage akong pinapagalitan ng akong pinapagalitan ng aking ina dahil lagi akong hinde napasok . Simula noon arawaraw na akong napasok.Nakaranas din kame nun ng matindeng hirap . Dahil ang aking ama ay driver ng track bumibyahe sya sa malalayung lugar kaya umuuwe lang siya ng linguhan . Kahit ganun ang buhay namen nun tiniis namen.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           At nung ako ay nasa ikatlong antas naman . Naaksidente na naman ako . Malapit na noon ang kaarawan ko dahil sa katakawan ang aking tiyan ay sumaket ng dalawang linggo . Kaarawan ko nun ay hinde ako makakaen ng maayus at maghapon akong nakahiga dahil sa sobrang sakit ng aking tiyan . Sobrang hirap ang pinagdaanan ko nung ako ay nasa ikatlong antas ..   
                                                                                                                                                                            
     At nung ako ay nasa ikaapat na antas . Lage akong pinagdidileg ng halaman ng aking mga guro.Naghirap hirap din kame ng sobra nung oras na lumayas samen ang ama namen kase nag away sila ng tiyo ko . Pero bumalek din siya makaraan ang ilang linggo.Nakaahon din naman kame dahil sa pagtutulungan.                                                                                                                                                              
Noong nasa ikalimang antas naman ako . Ako ay sa tiyahen ko natutukog . Dahil pag minsan nagkakagulo samen .Aaminen ko hinde ako mayaman kame ay nagdadanas din ng hirap . Kaya nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil kahit sa kasagsagan ng hirap nagagawa pa rin nilang pagaralen kameng magkakapatid .Kaya mula noon nagsimula na akong magwrak ng mabute . kaso pag minsan pinapalo ako ng aking ina dahil lage daw akong nakabuntot sa kanya pero masaya pa dn kahit ganun.                                                                                                                                                                                                                         Ito na ang pinakaiintay kong antas . Dahil ako ay magtatapus na ng elementarya . Pero bago ako makaalis ng elementarya madaming hirap ang dinanas ko . Sobrang saya ko nung nalaman ko na makakagraduate ako . Dahil sa pagsisikap din sa pagaaral nakamit ko ito.At nung araw na ng graduation sobra sobra na ang saya na nadarana ko . Nakagraduate din ako nun , masaya ako kahit ang graduation ko ay walang handa .  Nagpapsalamat ako sa panginoon kase kundi dahil sa kanya hindi ako makakapagaral.At nag papasalmat ako sa mga magulang ko.                                                                                                                                        
    

ako noong graduation
          Sa wakas at nkatapus din ako ng elementary. Nagdaan ang bakasyon .Nung unang  bakasyon  ay sobrang saya ko kase nagsamsama  kameng magkakamaganak para magswiming .At pag kameng mag kakaibigan ay nagsamasama kame ay wala ng ginawa kindi mag palipad ng saranggola habang nakaupo sa ilalim ng puno .. Tapus pagsapet ng hapon kame ay naglalro ng basketball . Tapus nun gabi na manunuod naman kame ng liga ng basketball umuuwe na kame ng 11 ng hating gabi.                                                      
  
  Pagkatapos ng bakasyon pasukan na naman . Ako ay papasok ng higschool sa col lauro d dizon memorial national highschool . Unang pasok ko dito ay kinakabahan pa ako kase waka pa ako kahit isang kilala dito at first time kong pumasok sa bayan nun . Pero dito ko nakilala ang dalwa kong best frend na si grenart at si shieg.Lage kaming magkakasama kahit san kame magpunta hinde kame nagiiwanan . Sa lahat ng pagkakataon hinde kame nagiiwanan .Tanda ko noon unang markahan ang dame kong badsak na subject kinakabahan ako na baka hinde ako makapasa .Pero dahil sa pagsisikap nakapasa naman.salamat                                                                                                                                           


    Natapos ko na ang first year second year naman ako .Kame paring tatko ang magkakasama hindi talaga nagiiwanan. 2J ang section ko nun sobrang baba .Sobrang saya ko nun kase andame ko ng nakilala .Dito ko nakilala ang unang gf ko sa dizon high na si claire tapus nun madame na akong naging kilala. Nagaaral na akong mabute nun natatakot na kase akong bumagsak ulet eh.Date takot na takot kame sa teacher namen sa AP na si mam hitosis akala namen mataray hinde naman pala .Nasanay din kame sa kanya ..Lage ako nung pinalalabas kase kage akong walang balita ..Ang pinakamabait at painaka magaling magturo samen nun ay si mam nuevo at si mam evangelista.Masaya ang second year ko kaso natakot ako nung hindi pinermahan ni mam lingad ang clearance ko kase wala akong maibigay na libro sa kanya .Akala ko hinde nya pepermahan ay mabute nalang at napirmahan nya.Butet nakuha ko ang card ko dahil sa kapatid ko maraming salamat sa kapatid ko ...ayan ang buhay ko nung secind year ako masaya..
          
mga classmate ko nung fieldtrip
    Natapus ko na ang second year   third year naman ako ..Kasama ko pa din ang mga best frend ko ,, matibay talaga .. Walang iwanan ee .Sa third year ako nahirapan kase parang ang hirap ng math dito .Pinaka madaleng subject ko nun ay TLE kase puro electricity lang naman .Nakilala ko naman dito si arriane na lageng tumutulong sa kaht ng gawaen ko sa skul .. Madame din akong naging kaibigan nun kaya sobrang saya ko .Natakot talaga ako nang nakasama ako sa deliveration.Akala ko hinde ako makakapasa nun..                                                                                                                                                                                Bakasyon na naman dito ako nangitem ng sobra kase nagswiming kame sa batangas at sa kapapalipad ng saranggola masaya naman kame magpipinsan sa pagpapalipad ng saranggola.Pataasan kami nun bumibile din kame ng maraming tali at plastik para lang makagawa ng saranggola.At hinde din pataasan ang laban namin palakihan diu kame .Dito ako nangitem ng sobra .Tapus pagdating ng hapun dinidileg naman namen ang basketbulan para makapaglaru kase magabok ay.sobrang saya namen nun habang nagbabasketball kaso natanggal din ang saya namen kase ungisa kong pinsan ay nabalian ilang linggo din kameng hindi nakapagbasketball..Ang tanging ginagawa lang namen nun ay kundi magpalipad ng saranggola.yun hangang sa nagpasukan na fourth year na ako ...                                                                                                                                                                                                                                           AKO SI MARK JOSEPH M VILLANUEVA ... THANK YOU ...      

Ang Talambuhay Ni Harlene L.De guzman

Ako si Harlene De Guzman ipinanganak noong ika-14 ng Marso 1994.Nakatira sa Brgy.Sta Monica Spc.Bininyagan ako noon sa bayan ng Tanuan Batangas
                  

Ako at ang aking pinsan 




.                                                                                                                                                                                                Ang aking mga magulang ay sina Vergilio De Guzman at Daisy De Guzman.Tatlo kaming mgkakapatid ang panganay ay si Hazel at ang bunso ay si Hazelene De Guzman.Ang aking ama ay tubong Tanuan Batangas at ang aking ina ay taga dito lang sa San Pablo City.                                                                                                                                                              Bata palang ako ay madalas na ako maiwan sa aking lola dahil ang aming mga magulang ay laging napunta sa Tanuan upang doon ay magtinda ng mga gulay .Ang trabaho nila ay buy and sale .hindi nila ko sinasama dahil pag kasama daw ako ay hindi nabibili ang kaniolang paninda at nalulugi lamag sila dahil sa akin.at nang dumating ang kapatud ko ipinanganak ay ako na lang ang naging  taga pag alaga dito tandang tanda ko pa dati pag alaga ko kaoatid ko ay madlas itong mahulog sa hagdanan namin.                                                                                                                                                                                                                                 Tanda ko dati isang umaga bumaba ako sa hagdanan namin pag baba ko andun ang aking ia tapus pagyingin ko sa taas ay may nakita akong isang babae nakasuot ng mahabang damit akala ko ay bisita laang namin at nang itinuro ko ito sa aking ina ay bigla na lamang itong nawala ng parang bula hindi ko alam na yun pala ay lumalabas na sa amin .madalas kaming naliligo at nagpipiknik kasama ang buong pamilya .                           

Minsan sa paliligo mamin ay nahulog ako sa may bukal at ako ay nalunod akala ay mamatay na talaga ako pero buti na lang dumating ang hero ko ang bff ng aking kapatid ang siyang sumagip sa akin .Hindi namin sinabi sa amn na ako ay nalunod dahil nong time na yun ay hinda naman ako pinayagan na sumama noon sa kanila eh. lamang taon gulang naman akon naglayas ang aking na di ko alam kung bakit eh basta tanda ko lag hinanap namin ng aking ama ang aking ina dahil gawa ng aking kapatid iyak ng iyak,pero nahanap din naman agad ang aking ina .Hindi ko makaka limutan ng ako ay madapa at ang aking nadapaan ay ang alambre sa daan nahiwa ng malaki ang aking paa hindi ko alam dati ang aking gagawin kala ko hindi na titigil ang pagdugo nito binuhusan pa ito ng aking ina ng gas para maampat ang dugo nito.

  Nang 6 na taong gulang ako ng ako ay pumasok ng grade 1 sa paaralan ng Brgy.sta monica elementary school.2 beses ako pumasok ng grade 1 dahil noong una kung pasok ng grade 1 ay ayaw ko pang pumasok naalis ako sa amin bahay pero hindi ako pumasok noong time na yun kaya nahulog ako .grade 2 nag ayos na akong pumasok dito.



ako ito noong umabay

Grade 2 ako ng ako ay umabay sa  kasal ng aking tiya .grade 3 mataray ang aming guro may nakaaway akong kaklase ko si camille sa sabutan kami ang arte kasi  ay kakayamot.grade 4 may transfere kaming kaklase si sharlene at janine anne na aking mga naging bff hindi ko makakalimutan ng makulong ang aking ama labis akong nalungkot noon sa nangyari sa amin.grade 5 umalis ang aking bff na si sharlene amante .grade 6 ang last year happy moments namin .nag tapos ko ng elementaya sa brgy sta monica school.                                                                                                                                                                                                           Nag high school pumasok ako sa paaralan ng col.lauro d.dizon MNHS.1st yr masipag pa akong pumasok takot ko na lang mag cutting sec 1-i.Hindi ko makaka limutan ang aking 1st crush ng ako ay maging high school si ryan kaso hindi na sya pumasok after a month eh..




me at ganda kung best

.Ako 2nd year tumaas ng konte sec ko naging 2-g dito ko nakilala ang aking mga bff sina arvin,weiland,mhaui,renalyn,nika,at maricon  ito din iyong panahon na nag punta ang aking ina sa ibang bansa para magtrabaho siya doon.


Ang aking mga bff

3rd ear tumaas ulit sec ko naging 3-f naman ang sec ko pero dito na yung time na nagloko ako ng pag pasok ko wala kasing tiwala pamilya ko samen lagi sinasabi di daw ako napasok kahit napasok naman ako kaya tinutoo ko hindi na lang talaga ako pumasok tambay na lang lagi sa may mall. napa barkada  ako at hanggang naakit akong sumali sa praternity srb.Sumali kaming ilang mag kakaibigan .napabayaan ko ang pag pasok ko pero nalaman yun sa amen ng ipatawag ang aming mga guidance mga jeanuary iyon feb.Sumali ako sa js namin dahil kay aljon.na aking crush dating 4-a hanngang mag vacation na kami nawealan kami ng communication sa isat isa .vacaton nakilala ko sa clan ng toc ang aking naging legal bf na si rawel lagi sya napunta sa amin tuwing linggo noong vacation  pang dalawa naming beses mag kita binigyan nya ko ng red Rose hindi ko kasi tanda kung sino doon sya eh.nalaman ko lang ng binigay na nya sa akin iyong rose eh.

,Pinakilala ko sya sa amin at pinakilala din nya ako sa family nya .mabait lahat ang member ng family nya sa akin lalo na ang mama nya sa akin .ng mag enroll ako ng 4th year ay siya ang aking kasama ng time na un .

Lagi kami nagkikita pag awas pero nag aply siya ng work na tanggap siya doon at doon na siya nag start mawalan ng time para skin .pag pinupuntahan ko sya ay pinagtataguan lamang nya ako lagi ko lang nakakausap ang knyang mga katrabaho nainis ako kya nakipag break nsa lamang ako pero hindi sa knya pinasabi ko lamang sa kybigan nya,dahil ayaw naman kasi nya ako makausap tinataguan lang nya ako sa tuwing pinupuntaha ko sya.Hindi ko makaka limutan na malas na nangyari sa akin ay ns mag ka [igsa ako sa aking tuhod na iyak ako ng iyak araw araw sa sobrang sakit nito halos hindi na ako makalakad dahill dito.tapos after na gumaling ito ay nag ka alergy ako saaking braso gumaling nga ito pero may pumalit nanaman dito may sumibol naman sa aking tenga halos hi




Sec 4-h ako ngayong 4th  year ang aking adviser ay si mrs putungan .nang mag deliveration ako ay nakasama sa  english .kay mam katigbak .

Ako ito ngayong 4th yr

Ngayong gradduation ko ay hindi makakauwi ang aking ina dahil mahal pag umiwi sya.sa march 14 ay b-day ko na  .pati bf ko wala dito pag graduate ko.me classmate ako mahal ko kaso ayaw na nya eh ceryoso naman ako sa kanya eh.
Ngayong b-day ko mag isa lang ako .pero bibigyan naman ako ng mommy ko ng gift .Ngayong graduation sana makasama ako dito.hindi ko makakalimutan ang aking high skul lyf.


Salamat sa mga naging parte ng aking high school lyf dahil sa kanila naging masaya ito.

Jhairo D. Austria(Ang Batang Palpak)

Ako kasama ang aking tiya
      ako si jhairo D. autria ako ay ipinanganak sa city hospital sa san pablo city ako ay ipinanganak noong july 25,1995 ang ibinigay saking pangalan ay jhairo dahil sa tingin nila ay maganda itong pakinggan.Ako ay lumaki sa aking lola sa teomora phase.1 inalagaan nila ako simula pagkapaanak sa akin ng aking ina hanggang 3 taon gulang.Inalagaan ako ng aking lola dahil hindi pa maalam magalaga ang aking ina noon pero nung tumagal na ay natutunan na niya akong alagaan



      Ang pangalan ng ina ko ay dalisay austria at ang pangalan naman ng ama ko ay jessie austria ang trabaho ng ina ako ay mananahi at ang trabaho naman ng ama ko ay family driver mula 4 na taon ay sa bahay na namin kame tumira nagpagawa kme ng bahay sa tapat ng bahay ng lola ko.






Noong Birthday ko
     Pumasok ako ng kinder sa guadalupe 1at ang naging teacher ko dun ay si ma'am reyes ako ay pumasok noong ako ay 5 taong gulang palang naging maganda ang karanasan ko doon gaya nung kame ay pumarada sa central school papunta sa sampaloc lake bago ganapin ang aming graduation day kinabukasan.Pero naging masaya parin ang gradution ko kahit na wala akong sabit.At naging masaya din kame nung nagkuhanan na ng litrto dahil nahirapan sila na kuhanan kame ng litrato dahil naging makulit kame noon.


 Ako ay nagelementary sa san gabriel elementary school pumasok ako ng elementarya noong ako ay 6 na taong gulang ang naging guro ko ng elementarya ay si ma'am pestijo marami akong naging kalaro noon.Nagkameron ako ng kaklase na kambal na naging kabarkada hanggang magtapos kame ng elementarya.At nagkaroon ako doon ng magandang karanasan dahil marami akong naging kaibigan kahit unang pasok pa lamang kame sa elementarya.


Ako noong baby ako
 Noong ako ay nag grade 2 ay ang naging guro ko ay si ma'am bombio naging masaya ako noon dahil hindi masyadong mataray ang naging guro ko noon.At ang hindi ko makakalimutan ay noong naparusahan kame ng aming guro.At noong ako ay naggrade 3 ay ang naging guro ko ay si ma'am de guzman na ngaun ay acosta na dahil siya ay nagpakasal noong ako ay grade 5 naging masaya ako noong ako ay grade 3 dahil nagkameron kame ng bagong kaklase na naging kaibigan ko.


  At noong ako ay naggrade 4 ay may masama akong karanasan tulad nung hiniram ko ang bike ng aking kaklase ay nabunggo ako sa koridor at napaumpog ang aking baba kaya ito ay pumutok at ito ay inabot ng 3 stiches pero kahit na ganun ay naging masaya ako noong kame ay nag cristmas party dahil maraming palaro noon na aking sinalihan at marami rin kameng kinain noon.


Ang inedit kong picture
  At noong ako ay nag-grade 5 ay ang naging guro ko ay si ma'am hernandez naging guro ko siya sa math subject at madali akong natuto sa kanya dahil magaling siyang magturo at masaya rin ako dahil marami akong naging magandang karanasan sa pagiging grade 5 tulad noong kame ay nag cristmas party niregaluhan ko ang teacher ko ng teddie bear na ipinangalan pa niya sa akin.At naging masaya ako dahil ako ay pumasa at hindi nag kabagsak sa kanya.


  At noong ako ay nag grade 6 ay ang aking naging guro ay si ma'am GUADA  hindi na ako nahirapan dahil aam ko na ang pasikot-sikot sa aming school at dahil  ang mga kaklase ko ay yung naging kaklase kona simula ng grade 1 hanggang grade 5 kaya kahit unang pasok lang namin ng grade 6 ay marami na kaming kakulitang ginawa.At noong kame ay nag papraktis ng graduation ay naging masaya kame kahit kame ay magkakalayo na pero naging masaya kameng lahat dahil lahat kame ay nakatapos ng elementarya.

  At noong bakasyon ay naging masaya ako dahil wala akong ginawa kundi gumala.Nagpalipad kame ng sarangola ng mga pinsan ko sa isang bakanteng lote malapit sa amin naging masaya kami noon dahil pagkatapos naming magpalipad ay gumagawa kame ng bago at itinatapon namin pagkatapos paliparin at pag-gabi na ay naghahanap kame ng gagamba sa sukalan at pagnakahanap na kame kahit dalawa ay umuuwe na kame para paglabanin at kapag malaki ay ipinapagbenta namin sa mga bata sa amin.At noong malapit na ang pasukan ay bumibili na kami ng mga gamit sa eskwelahan.



   Noong ako ay nag-enroll sa dizon ay kasama kom ang aking ina dahil bago pa lamang ako pumasok sa bayan pero kahit      ganun pinilit ko na masanay sa dizon kahit medyo mainit.At noong ako ay nag first year ay nalilito ako kung saan ang aking room dahil sobrang lawak ng dizon at sobrang dame ng room kaya  noong una ay naliligaw ako at nalalampasan ko ang aking room pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.Ang hindi ko makakalimutang kaklase ay si Tan Emanuel dahil siya ang pinakamakulit at pinakapang-asar  sa aming magkakaklase at dahil siya ang naging pinakauna kong kabarkada at naging kaklase ko rin si marlon na date kong kaklase ng elementary na may kakambal.At naging kaklase ko ang aking pinsan na si jenry daquil na sumunod sa kakulitan ni Tan kaya marami akong naging masayang karanasan sa unang pasok ko sa high school.At noong papirmahan namin ng clearance ay madali kong natapos ang akin dahil kumpleto ako sa mga requirements.   


 At noong ako ay nagsecond year ay naging adviser ko si ma'am evangelista marami akong naging bagong kaklase  pero may naging kaklase ako na kaklase ko na date kaya kahit bago lang kami sa second year ay hindi ako nahirapan na makisama sa iba kaya naging ka close kuna rin silang lahat marami kaming naging magandang karanasan gaya ng mga pag-gagaslawan namin.At noong nagshindig ay hindi ako nakapasok dahil naiwan ko ang aking ticket kaya naghintay ako sa labasan pero pagkatapos ay naglaro kami ng computer hindi ako nahirapan sa pagpapacheck ng  clearance kaya wala na akong naging problema sa enrolan namin.


  At noong ako ay nag third year ay naging kaklase ko parin si jonas na kaklase ko noong ako ay first year at second year at may kabarkada siyang naging kaklase namin na nging pinakamagulo sa aming lahat ang naging adviser ko noon ay si ma'am joaquin naging mahirap sa amin lahat ang pakikisama sa ibang guro tulad ni ma'am reyes na laging ginagalit ng aking mga kaklase kaya maraming beses na napaiyak namin ang aming guro at mrami kaming naging magandang karanasan tulad noong kame ay nag shindig tumugtog ang aking mga kaklase sa battle of the band at sumyaw naman ang aking mga kaklaseng babae ng hiphop.Medyo nahirapan kami magpapirma ng clearance dahil marami kaming ginawang kagaslawan sa aming teacher pero mga ilang araw ay nagka-ayos din kame sa papapapirma ng clearance.


Kuha ko sa computer shop
  At noong ako ay nag-fourth year ay ang marami sa mga kaklasw ko ay naging kaklase ko ng third year kaya hindi ako nahirapang makisama sa mga kaklase ko ngayon.Marami ako ngayong magandang karanasan tulad ng pang titrip namin sa iba at meron din namang masamang karanasan tulad ng pagnahuhuli kaming nagkakara at noong kami ay nagupitan ni sir victorio at noong ako ay nadeliver pero gumagawa ako ng paraan para hindi mapasama sa susunod na deliveration.Hindi ako nakasama sa js namin dahil hindi ako mahilig sa mga ganon masaya parin ako kahit hindi ako nakasama sa kanila at naging masaya rin ako kahit hindi ako nakasama sa fieldtrip dahil ung pera ay ibinili ko ng cellphone pero kahit ganon masaya ako at pinipilit kong makagraduate para masuklian ko ang hirap at pagod ng aking mga magulang at bakak kong kuhaning course sa college ay drafting pero kung hindi kakayanin ng badget ay bsit nalang gagawin ko ang lahat para makagraduate.....

Tuesday, March 8, 2011

Ang Talambuhay ni Greggy Aragones Laguras

Di gaya nang ilang mga kabataang ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, ako ay nagmula lamang sa simple at payak na pamilya. 

ako noong baby


       Natatandaan ko nung ikinuwento sa akin ng aking lola, nung binibinyagan daw ako, ang dami daw gustong maging inaanak ako. Pero syempre pinili lang ng aking mga magulang ay yung talaga daw na kaibigan nila na hindi plastik. makalipas ang ilang araw pagkatapos ng aking binyag, sabi sa akin ni lola sa bahay na daw niya ako tumira dahil nag-abroad daw ang aking mga magulang kasi mahirap daw ang buhay kasi sakitin daw ang aking kapatid. kaya ayun, nagkahiwalay tuloy kami ng kaisa-isa kong kapatid na si Geraldine. Kaya tuloy ako ay napunta sa lola ko sa fatherside. At ang ate ko naman ay sa lola ko sa motherside.

ako at ang kapatid ko


      Ayon sa mga kuwento ng lola at mga tita ko at tiyuhin, na ako daw ang paboritong apo ng lolo ko. kasi siya daw ang may laging pasan sa akin. pati sa sobrang pag-iingat daw niya sa akin, nung mahuhulog daw ako sa duyan nag-dive daw ang lolo ko kahit na alam niya na masasaktan siya sa gagawin niya. Yun nga, nasambot nga ako ng lolo ko pero putok naman daw ang ulo niya. At lumipas ang mga araw, bigla na lang daw naratay ang lolo ko sa higaan dahil sa sakit na kanser. Pero dahil sa ako nga daw ang paborito nyang apo, kahit na daw nakaratay na siya, pangalan ko ang lagi niyang sinasambit at laging gustong katabi sa pagtulog. Di naglaon, namatay na nga ang aking lolo bago pa man ang aking unang kaarawan.


ako at ang motor namin


     Ayon sa kuwento ng aking mga magulang, noong walong buwang gulang pa lamang ako at mahigit isang taon pa lamang ang aking kapatid nung umalis sila patungong abroad.

        At natatandaan ko nung mag-7th birthday ako, napakasaya ko kasi andun ang lahat ng mga kalaro ko. Tapos, dumating din noon ang mga parents ko from abroad. At isa pa syempre, andun din ang aking ate. Syempre nung una, nung makita ko ang aking mga magulang, natakot ako kasi naman six years mahigit ko silang hindi nakita. Sapol bata. Kaya nagulat ako nang yakapin nila ako at hagkan sa pisngi. Pero hindi din naglaon, natanggap ko na din sila. Dahil pinaliwanag sa akin ng lola ko at ng mga other relatives ko na sila daw ang mga magulang ko.


ako sa aming bakuran


         Hindi pa rin maalis sa isip ko nung first day ko sa skul, nakakatuwa talaga kapag naaalala ko yun. Nung una akong pumasok sa classroom ay naghubad ako ng sapatos kasi natatakot akjong madumihan ang sahig at nagiinit ang aking paa. Ngunit ipinaliwanag sa akin ng aking guro na hidi ko na daw dapat gawin iyon. Dun ko din nalaman na mababait pala ang mga teacher. Na sila pala ang Pangalawang ina namin pagdating sa paaralan. 

ako noong ako ay back ride ni ate


        Gaya ng karaniwang kabataan, naranasan ko din ang maglaro ng ibat ibang klase ng laro. Naranasan ko rin ang umuwing nanlilimahed ang damit dahil sa larong jolen, sikyo, teks, sipa at patintero, pitikang lastek, tumbang preso at kung anu ano pa. Sa nakalipas na maraming taon, masasabi kong naging masaya naman kahit papaano ang aking kabataan. Marami akong naranasan na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga na tumulong sa akin para malagpasan ko ang mga pagsubok na dumating sa aking buhay.

ako at ang aking lolo at lola


        Ang isa sa di ko malilimutang nangyari sa buhay ko ay nang pumanaw ang aking butihing ina dahil sa sakit na stroke. Labing-anim na taong gulang pa lamang ako noon kaya naging napakahirap sa akin tanggapin ang kanyang pagkawala. Ngunit, sa tulong ng aking kapatid at ng aking napakabuting ama, naging maayos naman ang aming buhay kahit nawala ang aming ina. At syempre, dumadating sa punto ng buhay na naghihirap at nagkakaroon ng problema kaya tuloy kinailangan kong tumira sa malayo. Malayo sa pamilya. Maraming bese din akong nagloko sa pag-aaral dahil sa barkada. marami din akong nagawang kamalian sa buhay ko. Ngunit ang mga karanasan kong ito ay nakatulong sa akin ng malaki.

ako noong ako ay nagpupusoy


       Sa kasalukuyan, ako ay nasa ikaapat na antas sa sekondarya at sinisikap na makatapos hanggang sa makakaya sapagkat gusto kong matulungan ang aking kapatid at tatay. Gusto kong mabigyan sila ng maayos na buhay. Sa ngayon, ang aking kapatid ay isa nang guro. Namumuhay kaming tatlo sa Brgy. Concepcion Village Purok 5 San Pablo City ng maayos. Na kahit na minsan may mga problema at kakulangan. Pero sabi nga nila, hindi normal ang buhay kapag walang problema. Kaya naman ako ay lubos na nagpapasalamat sa diyos sa kabutihan niya sa aming buhay.

          Gaya ng sinuman, marami rin akong pangarap sa buhay na gusto ko ring makamtan Magkaroon ng maayos na trabaho para makatulong sa aking pamilya at para na rin sa magiging pamilya ko balang araw.

           Sa kabila ng napakaraming pakikibaka at pagsubok sa buhay sa tulong at pagpapala ng panginoon nasasabi kong napakasarap paring mabuhay. Pero masasabi kong masarap paring mabuhay dahil kasama ko ang lahat ng aking mga mahal sa buhay at alam kong hindi ako pababayaan ng panginoon sa mga pagsubok at problema na darating sa akin sapagkat ang panginoon ang pinaka-mabait na nilalang sa mundo kaya siya ang gagawin kong inspirasyon upang makamit ko ang aking mga pangarap sa gabay ng diyos sisikapin kong makamit ito sa mabuting paraan ng walang nilalabag na batas ng tao o batas ng diyos dahil naniniwala ako na kapag pinaghirapan at sa kabutihan mo nakamit ang iyong mga pangarap ikaw ay isang marangal na tao.

         At ngayon hindi na ako magpapadalos dalos sa aking mga pasya gaya ng paslayas ko noon sa aming tirahan  dahil ngayon bukas na ang aking isipan sa mga bagay-bagay na alam kong makakasama o makakabuti sa akin at sa aking pamilya gagawin ko ang lahat upang matupad ko ang pangarap sa akin ng aking ama na magkameron ako ng magandang kinabukasan sapagkat darating din ang araw na mgkkameron din ako ng sariling pamilya na aking itataguyod sa hirap at ginhawa